Sariaya, Quezon—Isang area operations manager ng isang telecommunications company ang natagpuang patay at may tama ng baril sa ulo, sa loob ng isang sasakyan, sa damuhang bahagi ng Sitio Bigaan, Barangay Guis-guis nitong Biyernes, Agosto 6.

Kalauna’y natukoy ang biktima na si Macario Austria, residente ng Sto. Tomas Batangas.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, ilang residente ang nakasaksi sa naka-park na Nissan Navarra na may licence plates NGT-9852 sa madamong lote nitong ika-6 ng gabi nitong Biyernes.

Sa pag-uusisa ng mga residente, sinilip ng mga ito bintana at nadiskubreng may duguang lalaki sa back seat.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Agad namang ipinaalam ng barangay chairman sa pulisya ng Sariaya naturang insidente.

Sa imbestigasyon, narekober ng mga pulis ang dalawang fired catridges cases para sa .45-caliber pistol sa loob ng sasakyan.

Patuloy pa ring iniimbestigahan sa kaso.

Estacio Daniel