Nagsampa ng kaso si Rudy Baldwin, kilalang psychic at Facebook personality, sa dating ex-convicted man at social media personality na si Christian “Xian” Gaza.

Larawan: Rudy Baldwin/FB

Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi ni Rudy na sinampahan niya ng Sec 4 (c) Online Libel of RA 10175 and Article 287 "Unjust Vexation" of RPC in relation to Section 6 of R.A. 10175.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Ayon sa initial na imbestigasyon na inilabas ng Philippine National Police, Anti-Cybercrime Group, Regional Anti-Cybercrime Unit 4A ng Calamba Laguna, nakitaan ng paninirang-puri si Xian laban kay Rudy.

Larawan: screenshot mula sa Facebook post ni Rudy Baldwin/ https://www.facebook.com/113932623315960/posts/635326987843185/

"Just finished formally filing eleven counts of criminal cases of cyber libel against people na walang alam sa batas na grabe walang preno ang mga bibig sa panlalait, pamamahiya lalo na mga kasinungalingan," ani nito sa kaniyang post.

Matatandaan na sa vlog na inilabas ni Xian, pinaratangang nitong "fake" ang mga hula ni Rudy at isa lamang itong scammer.

Aniya, “Rudy baldwin is just a con man, okay isa lamang siyang scammer, con man nagpepretend to be a vision ‘kemerut’ na may nakikitang vision blah blah. You know what it takes one to know one…”

Samantala, sumasailalim na sa imbestigasyon ang mga diumanong "fake accounts" ni Rudy.

"Malapit na din ma-identify at makasuhan 'yung mga fake accounts at pages na lumalabag sa batas," ani Rudy.

Babala ni Rudy, "Good luck and see you in court."