Kung may 'Mahal,' syempre, may 'Mura.' Hindi lang ito tumutukoy sa presyo, kundi sa dalawang komedyanteng pinag-tandem noon na parehong 'little person.' Pero ang tanong ngayon, nasaan na nga ba si 'Mura?'

Ang tunay na pangalan ni Mahal ay Noemi Tesorero habang si Mura naman ay si Allan Padua sa tunay na buhay. Ang kanilang tambalan ay unang sumikat noong 2003 sa isang noontime show, kung saan pinagmukhang babae si Mura kahit lalaki naman talaga siya.

Screenshot mula sa YouTube channel/Talentadong Pinoy

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Tinunton siya ng isang tagahangang vlogger na nagngangalang 'Virgelyn (Ang Daragang Magayon)' upang alamin kung ano ang kaniyang kalagayan. Matapos ang medyo mahaba-habang paglalakbay, nasilayan na nito si Mura, na simpleng-simple na lamang ang pamumuhay sa lalawigan.

Sa ngayon ay abala si Mura sa mga gawaing pambukid. Kapansin-pansin na hirap si Mura sa paglalakad dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya, kaya nilisan niya ang showbiz. Kasama ang pamilya, nagtitinda na sila ngayon ng uling at nagtatanim ng mga gulay.

12 ang mga kapatid ni Mura kaya kailangan niyang kumayod nang husto para sa kanila. Musmos pa lamang sila ay mulat at sanay na sila sa hirap ng buhay.

Screenshots mula sa YouTube Channel/Virgelyncares 2.0

Screenshots mula sa YouTube Channel/Virgelyncares 2.0

Screenshots mula sa YouTube Channel/Virgelyncares 2.0

Naging emosyonal si Mura nang biyayaan siya ng P10,000 ng vlogger na si Virgelyn, bukod pa sa mga nakalap na pondo mula sa mga OFW na nagbigay sa kaniya ng donasyon.

"Thank you po sa inyong lahat... huwag po kayong magsawang magsuporta sa mga katulad po namin, kahit laos na po ako, kung may pumapasok namang opportunity, papasukin ko po, kakayanin ko para sa pamilya ko," naiiyak na pahayag ni Mura.

Screenshots mula sa YouTube Channel/Virgelyncares 2.0

Screenshots mula sa YouTube Channel/Virgelyncares 2.0

Screenshots mula sa YouTube Channel/Virgelyncares 2.0

May mahigit 1 million views na ang naturang vlog na kaka-upload pa lamang noong Agosto 3, 2021.