Viral ngayon ang video ng isang concerned netizen sa pagkakagulo at stampede ng mga dumagsang magpapabakuna sa isang vaccination site ng Las Piñas Doctors Hospital, nitong Huwebes ng umaga.

Sa panayam ng Balita sa uploader ng videos na si 'Eleng,' dakong 6:00 ng umaga pa lamang ay nagkaroon na ng pila.

Pagkatapos, may ilang mga walk-in na bumuo ng sariling pila. Napansin ng ilang mga nakapila na may pinapapasok ang mga tanod at security guard mula sa pila ng mga walk-in, kaya kinuyog na ng mga tao sa unang pila ang vaccination site upang makapasok.

Dagdag pa ni 'Eleng,' natakot na umano siya dahil may matandang hinimatay, at may lalaking nakikipag-ambahan pa ng suntukan sa isang tanod.

National

Petisyong kanselahin birth certificate ni Alice Guo, inihain ng OSG

Wala namang naiulat na namatay sa naturang insidente.