Idinaan sa isang benefit online show na pinamagatang "Umawit at Tumulong with Kuya Buboy (Cesar Montano) ang pagdiriwang ng 59th birthday ng mahusay na aktor na si Cesar Montano nitong Agosto 1, 2021, para sa mga biktima ng pagbaha dulot ng sunod-sunod na pag-ulan nitong Hulyo.

Hindi lamang kantahan at kulitan ang naging highlight nito kundi ang pagpapakilala at pagsali sa jamming ng kaniyang non-showbiz partner na si Maria Socorro 'Kath' Angeles, na talaga namang umeksena sa kilig moments. Hinalikan pa siya sa pisngi ni Buboy habang kinakantahan siya ng birthday song ng mga panauhin. Aliw naman ang mga Facebook followers ng aktor dahil mukhang masaya naman daw siya sa piling ni Kath.

Screenshots mula sa Facebook account ni Cesar Montano

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

Screenshots mula sa Facebook account ni Cesar Montano

Screenshots mula sa Facebook account ni Cesar Montano

Hindi na rin nagpaawat si Cesar na ipakita ang kanilang anak na babae. Kinarga niya ito habang kumakanta.

Ilan sa mga celebrity friends na nagtanghal sa naturang benefit online show ay ang American singer na si Keith Martin na umawit ng "Because of You," si Alvin Anson, at ang dating miyembro ng Boyfriends na si Joey Obando.

Bumati naman sa kaniya via videotaped message si Robin Padilla at si Pangulong Rodrigo Duterte.

Makikita sa mismong Facebook page ni Cesar ang GCash number para sinumang nagnanais na magbigay ng kanilang donasyon para sa mga biktima ng baha.

"To all the people who greeted me on my Birthday, salamat po! Thank you so much to all who donated for flood victims. Labyu guys! May God bless you enormously with love, peace, and joy, in Jesus name! Amen!" pasasalamat ng aktor sa isa pang Facebook post.