Matapos ang pasabog na pag-amin ni Raymond Gutierrez sa kaniyang tunay na sekswalidad sa isang magazine cover, nagpahayag ng pagsuporta sa kaniya ang kambal na si Richard Gutierrez, maging ang ilan sa kaniyang mga celebrity friends.

Sa unang Instagram post ni Raymond, makikita na ang unang-unang komento ay nagmula pa mismo sa kaniyang kambal na si Richard. Si Richard ay masaya na ngayon sa kaniyang buhay may-asawa.

Screenshot mula sa Instagram account ni Raymond Gutierrez

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sumunod na nagbigay ng kani-kanilang mga komento at pagsuporta ang ilan sa mga sikat na celebrity friends nito gaya nina Angel Locsin, Liz Uy, Rajo Laurel, Georgina Wilson, Bubbles Paraiso, Arci Munoz, Jake Cuenca, at Anne Curtis-Heussaff.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/02/raymond-gutierrez-hindi-naging-madali-ang-pagtanggap-sa-sarili/

Aminado si Raymond na hindi madali ang kaniyang pinagdaanan upang maitago lamang sa publiko ang kaniyang tunay na kasarian, lalo na't nasa angkan sila ng mga sikat na artista sa mundo ng showbiz.

Samantala, wala pang reaksyon o komento rito ang iba pa niyang kaanak, tulad na lamang ng kaniyang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, gayundin ang kaniyang ate na si Ruffa.