Natatawa na lamang si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa netizens na nagsasabing kamukha niya si American Olympic swimmer at silver medalist Erica Sullivan.

Bagama't pinagkakatuwaan ng marami ang memes na naglalabasan hinggil sa resemblance nila, aprub naman daw ito kay Mayora Joy. Isang karangalan daw na maikumpara kay Erica, kahit sa pisikal na aspeto lamang.

Larawan mula sa Instagram ni Erica Sullivan/Manila Bulletin

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

"I am thrilled by the fun and light comments on my facial resemblance to Tokyo Olympic women’s 1500-meter freestyle silver medalist Erica Sullivan of the US swimming team," say ni Joy sa panayam ng GMA News.

Dagdag pa niya, kahanga-hanga talaga si Erica dahil bukod sa karangalang dinala niya sa bansa niya, proud niyang sinasabi na siya ay Asian-American at miyembro ng LGBTQIA+ community.

Nakakatuwa raw ang naglalabasang memes at post tungkol sa kanilang resemblance na talagang pampa-good vibes.