Isa sa mga hinuhubog na homegrown talent ng GMA Network si Kapuso star Sanya Lopez, na sinimulang mahalin ng fans bilang Danaya sa remake ng 'Encantadia' noong 2016, at nitong 2021, bilang Yaya Melody sa katatapos lamang na 'First Yaya' kung saan katambal si Gabby Concepcion.

Kaya naman sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP sa kaniya, sinagot niya ang tanong kung threatened ba siya sa sunod-sunod na paglipat ng mga Kapamilya stars sa Kapuso Network.

Hindi naman daw siya threatened o insecure, sa katunayan pa nga raw, excited siyang makatrabaho sila. Inamin niyang fan siya ni Bea Alonzo, at mga linya pa nito sa mga box-office movies ang ginamit niya noon sa auditions.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Larawan mula sa Instagram/Sanya Lopez

Naniniwala rin siyang magiging pantay naman ang trato ng Kapuso Network sa mga homegrown artists nila, dahil "sila raw ang tunay na mga anak."

Bukod kay Bea, ilan sa mga dating A-listers ng Kapamilya Network na certified Kapuso na ay sina Pokwang, Richard Yap, Beauty Gonzales, at ang bali-balitang magkakaroon ng sitcom na si John Lloyd Cruz.