Hindi pa man tuluyang nasusungkit ang gold medal para sa Olympic women's featherweight finals, may pa-tribute na kaagad ang dalawang

young artists mula sa Gandara, Samar para kay Nesthy Petecio.

"Go for the Second Gold Nesthy" ang shout out nina Joneil Severino at Jerry Casaljay para kay Nesthy, matapos nitong mapatumba ang

katunggaling si Irma Testa mula sa Italy via split decision.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kaya naman hindi sila nag-atubiling gumawa ng isang giant leaf art tribute para sa atleta. Gumamit sila ng medium na Giant Alocasia Macrorrhizos Leaf o kilala rin bilang Badjang Leaf.

Sulit naman ang kanilang effort dahil nakausap pa mismo nila si Nesthy upang humingi ng permiso rito.

"Nakausap po namin siya kanina, grabe, ang saya-saya po namin. Sana makuha po niya ang gold medal, kagaya ni Hidilyn Diaz," saad ni

Severino sa panayam ng Balita.

Ibinahagi rin ni Severino sa kanyang TikTok account ang shout out ni Nesthy sa kanilang dalawa ng kaibigang si Casaljay, at talaga namang

na-appreciate nito ang kanilang giant leaf art tribute.

Gumugol umano sila ng isang oras para matapos ang kanilang obra.

Richard de Leon