Pinawi ngPhilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Huyo 25, ang pangamba ng publiko kaugnay ng kumakalat na ulat sa social media na isang super typhoon ang tatama sa bansa.
“There are posts currently circulating online and being shared in various social networking services statingthere isa tropical cyclone named 'Maria' will be hitting the country as a super typhoon,” ayon sa pahayag ng PAGASA.
Pagdidiinng PAGASA, isa lamang itong fake news.
Paglilinaw din ng PAGASA, bukod sa bagyong 'Fabian' ay wala pa silang namamataang iba pang sama ng panahon sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
“There are no other tropical cyclones that are expected to enter the PAR and affect the Philippine landmass in the next three to five days,” pagbibigay-diin ng ahensya.
Panawagan pa ng ahensya sa publiko, kumuha lamang ng impormasyon sa kanilang official website na,bagong.pagasa.dost.gov.pho social media pages na Dost_pagasa (Facebook), @dost_pagasa (Twitter), at DOST-PAGASA Weather Report.
Ellalyn De Vera-Ruiz