Bigong mag-uwi ng medalya si Margielyn Didal makaraang tumapos na pampito sa finals ng Tokyo Olympics women's skateboarding street event nitong Lunes, Hulyo 26, sa Ariake Urban Sports Park.

Nagtala ang 2018 Asian Games gold medalist ng iskor na 7.52 matapos ang run phase at kanyang second trick.

Nagwagi ng gold medal ang 13-anyos na si Momiji Nishiya ng Japan matapos umiskor na 15.26.

Nakamit naman ng Brazilian na si Rayssa Leal (14.64) ang silver habang isa pang Haponesa-ang 16-anyos na si Funa Nakayama (14.49) ang nagwagi ng bronze.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nauna ng umusad si Didal sa finals makaraang tumapos na pampito sa qualifying round kung saan kabilang sa mga nabigong mapasama sa top 8 ay sina world No. 1 Brazilian Pamela Rosa at No. 4. Leticia Bufoni.

Marivić Awitan

.