Hindi na napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte na aminin sa mga dumalo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na naiihi na ito dahil na rin sa tagal ng talumpati nito.
"Pati ako, nagmamadali na, naiihi na kanina pa eh. It' s a natural human biology so what is the big deal. Bakit kayo magpalakpakkung napaihi na ako," pagdidiin ng punong ehekutibo.
“Alam ko rin na nahihiya kayo magtindig, puno at pila nito pagdating sa CR mamaya,” pagbibiro ni Duterte.
Dakong 4:13 na ng hapon nang simulan ng Pangulo ang SONA at natapos dakong 6:59 na ng gabi.
Tampok sa kanyang SONA ang mga nagawa ng kanyang administrasyon, kabilang ang libreng edukasyon, pagsasabatas sa Universal Health Care Law, libreng irrigation sa mga magsasaka, infrastructure projects at mga hakbang ng pamahalaan sa paglaban sa pandemya.
Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang pagbubukas ng bagong terminal ng Clark International Airport sa Pampanga, nagawang mga kalsada sa probinsya.
Ibinida rin niya ang paglikha ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, pagsagip sa milyong Pinoy sa kampanya n pamahalaan laban sa iligal na droga, pagpasa ng limang taon pangpagpapalawig ng validity ng driver's license, pagsasabatas ng "Ease Doing Business," gayundin ang pagsibak sa trabaho sa mahigit 200 tauhan ng Bureau of Customs na sangkot sa korapsyon.
Binanggit din nito ang pagsasauli ng Amerika sa Balangiga Bells sa ating bansa. Ang nasabing mga kampana ay kinuha ng mga sundalong Amerikano bilang war trophies mua sa Church of San Lorenzde Mariri sa Balangiga, Easter Samar, kasunod ng nangyaring massacre noong 1901 sa gitna ng digmaan ng Estados Unidos at Pilipinas.
Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang paggiit nito sa U.N. General Assembly na hindi dapat isantabi ang arbitral award ng Pilipinas.
Itinanggi rin nito na tumulong sa kanya ang China upang manalo sa pagka-pangulo. Gayunman, aminado ang Pangulo na nakipag-usap sila sa China matapos ang halalan noong 2016.