Tuloy-tuloy ang pag-iingay sa online world ng pangalan ng aktres na si Kylie Padilla sa mga nakalipas na linggo.

Sa gitna ng nabunyag na breakup nila ng asawang si Aljur Abrenica, gumagawa naman ngayon ng ingay si Kylie, anak ng beteranong action star na si Robin Padilla, bilang Tiktokerist.

IG Photo

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Kamakailan nga ay inanunsyo pa ng aktres at kanyang “BetCin” co-star na si Andrea Torres na hindi na sila “TikTok virgins.”

Pinainit ng dalawang aktres ang social media sa kanilang sexy video, habang sumasayaw sa “Can’t Get You Out Of My Head” ni Kylie Minogue.

https://www.instagram.com/p/CRtJ7BthhN1/

Wala pang isang araw mula nang i-upload ang video, mayroon na agad itong higit 500k views sa Instagram at 800k hearts sa Tiktok.

“Yung dalawang nasaktan pero bumabangon,” komento ng isang online user.

Matatandaang last year naging mainit na isyu ang breakup ni Andrea kay Derek

Samantala, naglabas naman ng statement si Kylie matapos kumpirmahin ng kanyang ama ang pakikipaghiwalay niya kay Aljur.

Marami naman ang nakapansin sa “chemistry” nina Kylie at Andrea bilang lesbian couple na sina Beth at Cindy, sa kanilang upcoming series na “BetCin.”

“Wait lang kinikilig ako hahahaha omg (heart emojis),” komento ng isa.

Say pa ng isa: “wag niu galingan pagpo promote. baka maniwala ako (crying face emoji).”

Marami rin ang pumuri sa “kagwapuhan” ni Kylie.

“Ang gwapo ni kylieeee nakakainloveeee,” komento ng isang fan.

“I said, sobrang astig ni kylie grabe, then I realized, hmm she’s robin padilla daughter nga pala.”

Bago ito, patok rin ang ikalawang TikTok video ni Kylie na may higit 16M views na.