Maganda ang takbo ng showbiz career ni Kylie Padilla noon. Matatandaang isa si Kylie sa mga bida ng sikat na fantaseryeng Encantadia bilang si Amihan na bilang pinatay ang karakter sa serye ng mabuntis ito sa unang anak nila ni Aljur.

Taong 2018 ikinasal ang dalawa, pero makalipas ang ilang taon hindi nauwi sa happy ending ang kanilang istorya nang mauwi sa hiwalayan dahil sa umano’y third party.

Ngayon sa kabila ng pagiging single mom, ready na si Kylie na magbalik-showbiz. At mukhang naiiba ang unang proyekto ng aktres kung saan niya makakasama ang sexy actress na si Andrea Torres, sa proyektong “BETCIN.”

Samantala, matapos mag-guest sa hindi matapos-tapos na seryeng “FPJ’s Ang Probinsiyano” ay muling mapapanood ang dating seksing star ng “Seiko” na Priscilla Almeda (dating nakilala bilang Abby Viduya) sa inaabangang serye ng GMA ang “Lolong” na pinagbibidahan ng aktor na si Ruru Madrid. Matagal nanirahan si Abby sa Canada at may dalawang anak at hiwalay sa kanyang partner.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang tanong ay kung hanggang saan pa kaya ang iaangat ng kanilang respective career lalo na sa panahon ng pandemya?