Hindi na nahintay ang coronation night para kay pageant veteran Dindi Pajares ng Orani, Bataan dahil siya na ang napili bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Supranational beauty pageant na gaganapin sa Poland sa Agosto 21.

Inanunsiyo ito ni Arnold Vegafria, national director ng Miss World Philippines, hapon ng Hulyo 24.

Dindi

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Nakuha ni Dindi ang right para maging pambato ng ‘Pinas sa international competition matapos siyang manguna sa polls na nilahukan ng mga kandidata at MWP officials.

Pumasok din sa shortlist ang iba pang kandidata ng Miss World PH kabilang sina Kathleen Paton, Megan Deen Campbell at Ruffa Nava.

Nakatakda sana ang Miss World Philippines 2021 grand finals ngayong Linggo, Hulyo 25. Gayunman, dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, muling inilipat ang petsa sa Agosto 8, sa Okada Manila.

Sa Agosto 3 naman inaasahang aalis patungo ng Poland si Dindi.

Matatandaang si Mutya Johanna Datul ang unang Filipino beauty queen na nag-uwi ng korona ng Miss Supranational noong 2013.