Hindi napigilan ng malakas na ulan at pagbaha sa kanilang village si Direk John Prats, matapos niyang ibahagi sa isang Instagram post, na kinailangan niyang sumakay sa isang dump truck para lamang makarating sa studio ng "It’s Showtime” sa ABS-CBN, lalo’t ngayong Sabado, Hulyo 24, ang launching ng pinakabagong segment nitong  “Madlang Pi-POLL.”

“Hello madlang pipol!!! Eto po ang transpo ko papuntang ABS-CBN. Napaka-importante kasi ng araw na to. Dahil mamaya na ang MADLANG PI-POLL!!! Para sa inyo gagawin namin ang lahat! In the service of the filipino people! Forever kapamilya:) Kitakits mamaya sa @itsshowtimena!!!” caption nito sa kanyang IG post.

Ayon kay John, pag-aari ng kanyang tatay ang dump truck. Pinasakay na rin niya ang mga taong nakakasalubong, lalo’t delikado para sa kalusugan ang maruming baha.

Isa si Pratty ngayon sa mga bagong direktor ng noontime show.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

IG photo

Marami naman ang pumuri sa mga pagbabago ngayon sa disenyo ng entablado at set ng nasabing noontime show, na nakadaragdag daw sa kasiyahan ng mga host at madlang pipol.

Bukod sa pagiging direktor, mapapanood din si John Prats sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at iba pang social media platforms ng ABS-CBN.

Richard de Leon