Dismayado ang mga kapitbahay sa kilalang artist na nasa larangan ng musika. Bakit kamo? Ayon sa source isnabero raw ito sa kabila raw ng maraming nakaka-recognize sa kanya sa isang village na hindi lalayo sa NCR na kung saan nakatira ang artist na ito.

Magmula nang pandemic naging matamlay na ang karaketan ng magaling na artist na ito at maging ang iba pang mga kapwa celebrities kaya naman daw naghanap ito ng pagkakakitaan at sa pagtitinda ng pagkain ito nahumaling. Yun naman kasi ang naging trend mula nang magkaroon ng pandemya.

Kuwento ng source madalas daw binabati at tinatawag ang pangalan ni artist ng mga kapwa residente at hindi lang basta mga kapitbahay kundi tagahanga rin daw niya ito. Pero sad to say hindi raw ito lumilingon o namamansin as in dedma kung dedma kaya disappointed daw sila sa ipinapakitang asal ng artist. Ganun? Feelingero?

Dagdag pa ng source kahit pa raw before ng pandemic ganoon na raw ang ipinapakitang ugali ni artist. How true is this? Kaya naman nanawa na raw ang mga kapitbahay nito. Ang ending, hindi na lang daw nila pinapansin si artist kapag dumadaan ito sa harapan nila. Parang hangin na lang daw ito sa paningin nila. E kadalasan pa naman daw pagbibike ang naging hobby ni artist na paikot ikot sa kanilang village.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Kamakailan nga lang naging parte si artist sa isang grand big event na ipinalabas sa TV, infairness magaling talaga siya sa larangan ng kanyang talento. Yun nga lang ang laki na raw ng itinaba nito na hindi na kaaya-ayang tingnan habang nagpe-perform sa entablado. Yun na!