Bagama't mag-iisang taon na ang relasyong Jodi Sta.Maria at Raymart Santiago, mukhang napanatili ng dalawa ang kanilang pribadong relasyon dahil hindi sila napagpipiyestahan sa social media.

Madalang lang din kasi ang mga lumalabas na larawan kung saan magkasama sila.

Kaya naman ikinatuwa ng kanilang fans na sa isang bihirang pagkakataon ay nakita ang dalawa na magkasama sa isang larawan kasama ang mga kaibigan ni Jodi na sina Shaina Magdayao, TV Patroller Gretchen Fulllido at si Sarah Black, na isang photographer.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

IG Photo

Sa Instagram stories ni Shaina nakita ang photo ng couple na kuha sa mismong ata sa 48th birthday ni Raymart nitong Hulyo 20. 

Ngayong October ipagdiriwang nina Jodi at Raymart ang kanilang first anniversary.

Hiwalay na ang dalawa sa kanilang mga dating asawa -- si Jodi kay Pampi Lacson, at si Raymart naman kay Claudine Barretto.

Mukha naman happy si Jodi sa kanyang current lovelife at ganu'n din si Pampi kay Iwa na na-maintain nila ang tunay na kahalagahan ng friendship.

Ador V. Saluta