QUEZON - Nakumpiska ng pulisya at ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit sa dalawang kilo ng marijuana sa isang pinaghihinalaang drug dealer sa ikinasang buy-bust operation saBarangay Ayuti, Lucban, nitong Huwebes ng hapon.
Nakakulogna ang suspek na siAnthony Chino Morales, 29, taga-M. Aguilar St., Barangay 6 ng naturang bayan na nasa talaan ng street level individual ng pulisya.
Naaresto ang suspek nang bentahan nito ng iligal na droga ang police poseur buyer sa Diversion Road, Sitio Banban, dakong 2:59 ng hapon.
Narekober kay Morales angkabuuang 2,089 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng ng₱752, 040.00.
Kakasuhan si Morales ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Danny Estacio