Nakita kamakailan ang aktor na si John Lloyd Cruz kasama si ABS-CBN President Carlo Katigbak.

Ito’y sa gitna ng mga balita na lilipat na ang aktor sa GMA 7.

Sa katunayan, mismong si Marilen Roa Nuñez ng Crown Artist Management ang nag-upload ng photo niya kasama ang dalawang personalidad.

Matatandaang isa si John Lloyd sa mga bagong artista ng talent agency.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Dahil sa larawan, lumutang ang haka-haka na maaaring muling nakikipagnegosasyon si John Lloyd sa ABS-CBN, ang kanyang home network bago namahinga mula sa showbiz noong 2017.

Ito’y sa kabila na kamakailan lamang, nagbalik-screen ang aktor sa pamamagitan ng “Wowowin” ni Willie Revillame.

Sinundan pa ito ng pagbabahagi ng TV host na gagawa si John Lloyd ng isang sitcom sa GMA.