Mabilis nag-viral ang behind-the-scenes photos nina Kylie Padilla at Andrea Torres na kuha sa LGTB-themed movie na ginagawa ng dalawa, ang “BetCin.”Karamihan sa comments ng netizens, kinilig sa nakita nilang mga larawan nina Kylie at Andrea dahil ang nag-viral na mga litrato ay magkadikit ang mga mukha nila at parang maghahalikan.

Sa mga larawan pa ring lumabas, si Kylie ang lalake sa relasyon nila ni Andrea at nagpagupit pa nga ng buhok. Ang gustong malaman ngayon ng netizens ay kung natuloy ang kiss nina Kylie at Andrea.

Kylie

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

For streaming and for free sa iflix at WeTV Philippines ang“BetCin”at ngayon pa lang, marami na ang nangakong panonoorin ito at kahit nga raw may bayad, magbabayad sila mapanood lang ang pelikula.

Nakakaaliw ang ibang comment na bagay daw sina Andrea at Kylie dahil pareho silang nasaktan ng mga lalakeng kanilang minahal. Si Kylie ay hiwalay na sa asawang si Aljur Abrenica, samantalang last November pa (2020) break sina Andrea at Derek Ramsay.

Nagre-request sa GMA Network ang fans ni Kylie na sana bigyan nila ng project ang aktres ngayong balik-trabaho na ito at puwede na sa lock-in shooting. Puwede raw pagsamahin sna Kylie at Andrea sa isang teleserye lalo’t kinakitaan sila ng chemistry.

Nitz Miralles