Dinipensahan ng aktres na si Jennica Garcia ang sarili mula sa isang netizen na pinalalabas na isa siyang “sinungaling.”

Isang online user kasi ang pumuna sa isang “mood” post niya.

Jennica

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Yung nagkayayaan ang tropa tapos lahat may lovelife maliban sayo. Picture dito, picture dun sabay silip ng tingin sayo. ME: “Ge, ge, ge, ako na kukuha, kakahiya sa inyo. Ako na adjust. Saya kayo eh noh?” caption ni Jennica sa kanyang post.

Pero komento ng isang netizen: “Nako mareng jennica, yung frenny ko nanjan din, nakita may ka partner ka naman talaga. Dont us mare. Lab pa naman kita. Hehe.”

May ilan ding netizens na nangulit kay Jennica na i-reveal ang kumuha ng group photo niya at ng kanyang mga kasama, na umano’y ang dati niyang asawa, na si Alwyn Uytingco.

https://www.instagram.com/p/CRcnN7ltsnu/

Sa isang tatlong bahaging post, sinagot mismo ni Jennica ang basher.

“Para sa MARITES na may pa- Don’t Us, Don’t Us sa akin. I can opt to just delete the comment and block this chismosa na feeling mas maalam pa sa nangyayari sakin sa personal kong buhay but I will just answer para tapos na dahil hindi naman ito ang magiging last time that this could happen at sa susunod di ko na kailangan sumagot pa ulit,” sagot ng aktres, kasama ng pag-amin na kasama nga nila si Alwyn.

Aniya, hindi lang ang kanilang naging trip sa Tanay ang pagkakataon na makikita ng mga tao na magkasama sia ng tatay ng kanyang mga anak.

“I won’t even be surprised to see pictures of us in Tanay on the internet once I post this because when we were there, there were people who asked me for a photo and then there were those who came up to Alwyn as well for pictures,” aniya.

Natanong din ni Jennica kung bakit marami ang nagulat na magkasama sila ni Alwyn sa isang lugar kasama ang kanilang anak.

“Does that mean just because we are together then we are romantically linked? Hindi ba pwedeng we are thriving to co-parent healthily for our children especially since I am also with my parents family at sadyang assuming ka? It was NOT an Uytingco Family trip. Dapat ba pag hiwalay sa asawa not in good terms? Hindi kami boyfriend and girlfriend na dahil hiwalay, cut all ties. We have children to think of hindi pwedeng sariling kapakanan lang iniisip.”

“Ngayon mo lang nalaman diba? May friend ka sa area? Wala ‘di ba, kasi ‘di naman invited “friend” mo sa bahay ng Papa Jigo ko. ‘Di rin ako nag-upload ng picture with my children’s father kahit andun siya. Kasi bakit? Kailangan ba? Para saan? Para SAYO? Para updated ka ganon? So obligasyon ko na pag kasama ko tatay ng mga anak ko papaliwanag ako sa mga tao? Adjust na ako para sa mga anak ko tapos adjust din ako para sayo ganon? Special ka.”

https://www.instagram.com/p/CRjbE3btjAx/

Ipinunto rin ni Jennica na pinapayagan niya ang tatay ng kanyang mga anak na makasama ang mga ito kailanman niya gustuhin.

Gayunman, sinabi ni Jennica na pinakiusapan niya si Alwyn na huwag nang mag-post ng mga kaganapan sa kanila sa social media upang mabawasan ang “noise” at “opinions” ng mga chismosa, na sinang-ayunan umano nito.

“Kung magkabalikan man kami ni Alwyn, manggagaling sa bibig ko hindi manggagaling sa bibig ng kaibigan mo, o sa bibig ng kahit na sino na wala naman alam tungkol sa personal na buhay ko,” giit pa ni Jennica.

“I hope people won’t look at it as a surprise that Alwyn and I are together in one place with our children especially when it wasn’t an intimate gathering with just the four of us there since we are exerting all efforts to make the situation less painful for my children than it already is.”

Inulit din niya na hindi ito ang una at huling pagkakataon na makakasama niya sa Alwyn “since his presence is welcome in my children’s lives forever.”

“Magka pamilya man na iba si Alwyn in the future, ano man ang mangyari, hindi ko ipagdadamot ang mga anak ko sa Tatay Alwyn nila. I know that this statement might be difficult to understand para sa mga taong hindi pa pamilyado but this is the reality I now face,” saad pa ng aktres. “While Alwyn is doing his best to restore our family. I need time to heal. I need to keep my relationship with God first and foremost a top priority.”

https://www.instagram.com/p/CRja_jztM3J/

Sinundan pa ito ni Jennica ng: “Public figure ako oo pero hindi naman para bastusin niyo ko sa comments section ng sarili kong page wala naman akong atraso sainyo. Me being silent does not give you the right to make assumptions about my personal life. Purket tatahimik tahimik ako sa mga pasaring niyo inaabuso niyo ko.”

Sa huling bahagi ng post, sinabi ni Jennica na katuwaan lang sana ang kanyang Tanay “couple post.”

“Pinagtatawanan ko na lang sa halip na iyakan ko ulit ang pagiging single mom dahil pagod na ako tapos babaliktarin niyo pa,” aniya.

“Ayaw niyong pinagchichismisan kayo pero mang chismis ng iba komportable ka. I am no longer allowing your negativity to linger on my pages. Kung sino pang kagaya kong babae siya pang maka “Don’t Us Don’t Us” sakin. Pag pamilyado ka na, wag sana mangyari sayo nangyari sakin at baka hindi mo kayanin.”

Matatandaang Marso nang umugong ang hiwalayan nina Jennica at Alwyn.

Makalipas ang ilang buwan, kinumpirma ni Jennica na hiwalay na sila.

Gayunman, umaasa naman si Alwyn na magkakaayos pa silang mag-asawa.