Pinasaya nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang shippers nang mag-post si Dominic sa kanyang Instagram story ng isang video kung saan magkasama, magkadikit at kita ang mga mukha nilang dalawa. Nangyari ito nitong Hulyo 20, sa 32ndbirthday ni Dominic at umaasa ang kanilang fans na hindi na sila babalik sa pagpo-post ng splice photos nila na bahala na ang makakakita na pagtagpi-tagpiin ang mga litrato.

Matatandaang noong baby shower ni Beth Tamayo na tita ni Dominic, una silang nakitang magkasama sa litrato na magkatabi. Nasundan nitong birthday ni Dominic at ang sunod na inaabangan ng fans ay aminin na nina Dominic at Bea ang kanilang relasyon.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Siguradong aabangan ng fans, pati na rin ng mga reporter ang pagbabalik nina Dominic at Bea mula sa one month vacation nila sa California. Hindi na magtatagal ang kanilang ipaghihintay dahil sa first week ng August na ang balik ng dalawa.

Nitz Miralles