Camp Tirso H. Gador, Tuguegarao City - Dinakip ang isang 64-anyos na lalaki matapos itong kasuhan ng 39 counts ng rape ng kanyang apo sa Piat, Cagayan.

Sa report ng Cagayan Police,  isang menor de edad ang naging biktima ng panggagahasa ng akusadong hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan upang maprotektahan ang complainant.

Dinampot ng mga tauhan ng Piat Municipal Police at 17th Infantry Battalion ng Philippine Army ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Edmar Castillo ng Regional Trial Court, 2nd Judicial Region,Branch 11, Tuao, Cagayan sa kasong 39 counts ng rape.

Sa rekord ng kaso, nagsimula ang panggagahasa noong Marso 2018. Inamin ng biktima na hindi kaagad ito nakapagsumbongsa pulisya dahil sa pagbabanta ng suspek.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Naireklamolamang sa mga awtoridad ang suspek sa tulong na rin ng lola ng biktima.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan nito.

Liezle Basa