Nami-miss na ni veteran actor-comedian Dennis Padilla ang kanyang mga anak.

Sa Instagram, ibinahagi ni Dennis ang isang throwback photo ng kanyang mga dalawang anak na babae mula sa dating asawang si Marjorie Barretto, na sina Julia at Claudia.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

“Miss you mga anak,” caption niya sa post.

Bago ito, nag-post din si Dennis ng photo niya at Julia, na may caption na “Time flies anak!!(praying emoji, heart emoji).

Nitong nakaraang buwan, naging laman ng intriga si Dennis at kanyang mga anak matapos mapansin ng ilang netizens na hindi na available sa vlog ni Julia ang episode tampok ang kanyang ama.

Paniwala ng netizens may kinalaman ito sa naging pahayag ni Dennis, kung saan nag-open ito sa relasyon ni Julia sa 32-anyos na aktor.

Sa interview ni entertainment manager-actor Ogie Diaz, ibinahagi ni Dennis na kinompronta niya si Gerald nang masangkot ang anak nito bilang third party sa kontrobersiyal na breakup ng aktor kay Bea Alonzo.