Aminado ang Kapamilya actor na si Enchong Dee na nagulat siya nang lumipat sa GMA network kamakailan ang kanyang best friend na si Bea Alonzo.

Ito ang ibinahagi ni Enchong sa isang interview sa pagbubukas ng Academy of Rock sa Quezon City niyong Linggo ng gabi.

“A little bit, I must say,” saad ni Enchong, nang matanong tungkol sa naging paglipat ni Bea.

Sa tanong kung name-miss ba niya ang aktres: “Puwede ko naman puntahan siya kung nami-miss ko siya.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero pagbabahagi ng Kapamilya hunk, hindi sa kanya kumonsulta ang kaibigan hinggil sa paglipat nito.

“Never kasi naging aspeto ‘yung pagiging magkaibigan namin. That’s why bilang kaibigan, you just have to be there to support her. Bawa’t isang artista may kanya-kanyang karera. Sa sarili ko pa lang, pagod na pagod na ako so hindi ko na yata maasikaso yung karera nya.”

Gayunman, iginiit ni Enchong na inirerespeto niya ang desisyon ni Bea.

Bea at Enchong

“The best thing is to support each and every one. Everyone has their own reasons. Hindi talaga niya naikuwento,” dagdag pa ng aktor.

Nabanggit din ni Enchong na makikita sana sila ni Bea for dinner, “but she already flew to the US.”

Kasalukuyang nasa US si Bea “to recharge” bago sumabak sa trabaho sa GMA.

Naging mag-best friend sina Enchong at Bea nang magkasama ang dalawa sa sikat na ABS-CBN TV series na “Magkaribal” noong 2010.