Hinamon ni Presidential Spokesman Harry Roque si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario na gawin na lamang ang nais nitong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

"I-impeach kung kaya mo," tugon ni Roque sa naging reaksyon ni Del Rosario na dapat na mapatalsik sa puwesto ang Pangulo sa pamamagitan ng impeachment.

Nag-ugat ang pahayag ng Malacañang nang ihayagni Del Rosariona isangpaglabag sa Konstitusyon ang pagpapahintulot umano ng Pangulo sa China na makapangisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Idinahilan naman ni Roque, hindi ang Pangulo ang nagdesisyon sa usapin at ito ay walang iba kundi ang arbitral tribunal.

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

Hindi dapat aniya isisi ito sa Pangulo atsa halip ay ibaling ang sisi sa arbitral tribunal.

Beth Camia