Maraming sikat na artista ang biktima ng fake news at isa na rito si Vic Sotto.

Unang kumalat na fake news ang pagpanaw umano ng host at ang pangalawa ay ang paghihiwalay raw nito sa asawang si Pauline Luna.

Hindi ba nga’t maging ang kanilang anak nasi Tali ay biktima naman ng bashing?

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Kung noon ay pinalalampas ni Bossing ang mga ganitong pangyayari, ngayon ay nagbabala na ito na mananagot at mapapatawan ng kaukulang parusa ang mga gumagawa nito.

Sa isang episode ng Eat Bulaga may babala si Vic bilang “hugot for the day” para sa lahat ng cyber bully: “Laging tandaan na may nasasaktan kayo at yan ang pagbabayaran nyo. Hindi komo pinalalagpas lang ay mahina at naduduwag. Kakikita kayo at hindi natin palalagpasin kayo. Iyan ang huli nyo.”