Sisimulan na ang Chooks-to-Go National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup at ng Sen. Pia Cayetano Women’s National Basketball League (WNBL) sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga sa Linggo, Hulyo 18.

Bilang pagbubukas ng liga, magtatapat ang Bulacan DF Republicans at Spartan Sulong STAN, dakong 6:00 ng gabi habang magsasagupa naman ang Glutagence Glow Boosters at Pacific Water Queen's para sa simula ng unang women's professional basketball league ng bansa ganap na 4:00 ng hapon.

Itinalaga ng Games and Amusements Board ang Pampanga bilang venue ng 2021 season ng NBL at WNBL dahil sa pagiging MGCQ area nito.

Gayunman, umaapela ang dalawang liga sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan din silang makalaro sa Bulacan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pinasalamatan naman nila ang GAB sa ginawang pagtulong sa kanila upang makapagsimula na.

“GAB has always been there every step of the way, from helping us in creating the protocols, to the licensing of our players and coaches, as well as other matters. We thank them for their support,” wika ni NBL/WNBL executive vice president Rhose Montreal.

Nakatakdang sundin ng dalawang liga ang Home-Venue-Home set-up kung saan bawal ang magkaroon ng live audience.

Marivic Awitan