Nagsimula nang mag-shooting ng ilang eksena ang rumored couple na sina Coco Martin at Julia Montes para sa kanilang upcoming comeback project sa ilalim ng award-winning filmmaker na si director Brillante Mendoza.

Mabilis na ibinahagi ng mga fans ang ilang behind-the-scenes photos na kinunan sa unang araw ng shooting sa Pola, Oriental Mindoro.

Kabilang sa mga photos ang kuha ni Coco na nakasuot ng police uniform at ni Julia habang nakasuot naman ng teacher’s uniform.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

https://www.instagram.com/p/CRVmW6tDh55/

Bago ito, kinumpirma ni Pola Oriental Mindoro Mayor Jennifer Cruz, dating aktres na nakilala bilang si Irma Alegre, ang pagsasama ng dalawa sa isang pelikula.

Unang nagkatrabaho sina Coco at Julia sa seryeng “Walang Hanggan” noong 2012.