Balik-trabaho na ang newlywed na sina Ara Mina at PITC Undersecretary Dave Almarinez pagkatapos ng kanilang engrande at mala-fairytale wedding sa Baguio City last June 30 at honeymoon sa isang private resort sa Palawan.

Days ago, nag-report na si Dave sa kanyang PITC office at haghahanda na rin si Ara sa kanyang lock-in taping sa “FPJ’s Ang Probinsiyano” with Coco Martin.

Ang kasalang Dave at Ara ay nagpangiti sa mga event supplier dahil anila, unti-unti nang naibabalik ang live events, although, mahigpit na ipinatupad ang health protocols sa lahat ng bisita, crew, suppliers, at iba pang mga dumalo sa kasal ay sumailalim sa antigen swab test. Lahat ng nasa event ay negatibo sa Covid-19.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Bukod pa ito sa mahigpit na protocols ng Baguio City.

Sabi nga nina Ara at Dave, hanggang ngayon daw ay marami pa rin silang natatanggap na positibong mensahe at marami ang nagsasabing na-inspire sila sa kasalan ng dalawa.

Naluha rin daw si Ara sa maraming positibo at magagandang mensaheng natanggap ng aktres lalo na nang ilabas ng Nice Print Photography ang same-day edit video ng kanilang kasal.

To this day, ang kasalang Ara at Dave ay itinuturing na isa sa pinaka-engrandeng showbiz wedding ng taon.

Lito T. Mañago