Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na dalawa na sa 35 na nagpositibo sa Delta coronavirus disease 2019 (COVID-19) variant sa Pilipinas ang namatay.

“Dito sa Pilipinas, we have a total of 35 individuals detected with the Delta variant. Dalawa sa kanila ay namatay. 'Yung isa at taga-MV Athens at 'yungisa aytaga-Maynila," sabi ni DOH UndersecretaryMaria Rosario Vergeire, nitong Sabado.

Kaugnay nito, inaalam pa ng DOH ang health status ng isang pasyenteng may COVID-19 sa Antique na dinapuan din umano ng variant.

“Yung isa, vine-verify pa natin, 'yungtaga-Antique na apparently namatay din. We are getting the complete information so that we can inform the public. Yung isang namatay, hindi pa verified kaya dalawa pa rin po ang nasa talaan natin," paliwanag nito.

Eleksyon

Proklamasyon ng 'magic 12' sa 2025 midterm polls, tuloy sa Mayo 17

Sa nasabi ring pulong balitaan, sinabi naman ng isang opisyal ng Western Visayas Center for Health Development na binawian ng buhay ang pasyenteng may COVID-19 sa Antique na nagpositibo sa Delta variant.

Based sa ipinadala na event-based report ng Provincial Health Office ng Antique, itong case number 34 ay namatay last May 31," paglalahad naman ni Dr. Ma. Sophia Pulmones, hepe ng Western Visayas- Local Health Support Division.

Nilinaw pa ni Vergeire na nagpapagaling na sa iba't ibang ospital ang 32 pa sa dinapuan ng Delta variant.

Analou de Vera