Isinailalim ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 ang apat na lugar sa bansa hanggang sa katapusan ng kasalukuyang buwan.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque nitong Biyernes at sinabing tatagal lamang ang nasabing quarantine restrictions hanggang Hulyo 31.
Kabilang aniya sa mga ito ang Iloilo province, Iloilo City, Cagayan de Oro, at Gingoog city sa Misamis Oriental.
Ikinatwiran ng pamahalaan, nakitaan ng pagtaas ng daily attack rate ng COVID-19 ang mga nabanggit na lugar.