Panalo ang photo shoot ni Janine Gutierrez para sa Bench Body, ang aktres bagong Face of Bench Body. Ang seseksi ng pictures ni Janine, pero hindi malaswang tingnan, kaya naman ang daming nagla-like.

Screencap mula sa IG

Kabilang sa mga nag-like sa photos ni Janine sina Ruffa Gutierrez, Lovi Poe, Mond Gutierrez, Julie Anne San Jose, Valeen Montenegro, Rodjun Cruz, Iza Calzado, Vina Morales, Cherry Pie Picache, Rita Daniela at ang boyfriend nitong si Rayver Cruz.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

'Marry Me, Marry You' cast

Sa comment box, nag-post si Rayver, pero wala itong sinabi, three heart emojis lang ang kanyang pinost. Pero, sapat na ‘yun para kiligin ang kanilang fans na tinatawag ang kanilang mga sarili na JanVer fans. Supportive boyfriend daw siya, kaya pati ang Kapuso actor ay pinuri ng fans.

Samantala, Kapamilya talent na si Janine at ang “Marry Me, Marry You” ang kanyang first project. Kapareha niya rito si Paulo Avelino at kasama niya rito ang former Kapuso actress din na si Sunshine Dizon na nasa ABS-CBN na rin ngayon.

Nitz Miralles