May magkasunod na post si Pia Wurtzbach para ipaalam ang kanyang health problems.

“Starting the day with a good workout. Akalain mo yun mataas daw cholesterol kokaya eto double time sa pag seseryoso (baka pag-eersesyo ang gusto niyang tukuyin). Kahit naman anong itsura mo sa panlabas e kung mataas cholesterol mo pano na. I learned that consistency is key sa pagiging healthy. Hindi phases, hindi taas baba, dapat lifestyle na talaga sya at hindi pag-nakatingin lang si kuya. LOL kayak o to.” sabi ni Pia sa unang IG Stories post niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sinundan ito ng isa pang post, “Also found out last year that I’, lactose intolerant pala. Ang tagal kong tintry i figure out kung bakit laging namimilipit ako sa sakit tuwing umiinom ako ng kape. Yung milk pala, sayang kasi love na love ko kumain ng dairy products lalo na ng cheeses.But oh well. Kung ayaw na ng katawan mo ganoon talaga haha.

And im sharing this to let you guys know na minsan wala talaga sa panlabas na itsura yung kalagayan ng katawan mo. Listen to your body, make the necessary changes and your health will improve.Some these challenges are reversible.”

Pero, sabi ng netizens, kahit high ang cholesrol ni Pia at lactose intolerant siya, iba pa rin ang sitwasyon niya dahil may hunk boyfriend siyang nagmamahal sa kanya. Ang boyfriend nitong si Jeremy Jauncey ang tinutukoy ng netizens at masuwerte raw si Pia sa aspetong ito.

Nitz Miralles