Panibagong pangalan ang lumutang sa isyu ng hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Sa pagkakataong ito, ang ‘Init sa Magdamag’ actor naman na si JM de Guzman ang isinasabit sa isyu.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

JM

At isang netizens ang malakas ang loob na nagtanong sa aktres kung may katotohanan nga ang tsismis na ito.

Sa latest Instagram post ni Kylie, nag-comment ang netizens ng: “Totoo po ba na kaya mo iniwan si Aljur dahil high maintenance ka po at di afford ni Aljur luho mo? Tapos maraming mayayaman ang nanliligaw sa you pati mga artista at isa dun si @1migueldeguzman? Yun po kasi ang sabi ni Xian Gaza eh. Salamat po.”

Hindi naman ito pinalampas ni Kylie at sinagot ang user: “Magkaibigan lang kami ni JM. This is not true.”

Kylie

Bago ang pangalan ni JM, ilan personalidad na rin ang unang nadamay sa isyu ng hiwalan ng dalawa.

Una nang itinanggi ni dating beauty queen Cindy Miranda, na katambal ngayon ni Aljur sa isang sexy movie, ang ‘Nerissa,’ na siya ang rason ng hiwalayan ng aktor at ni Kylie.

Mabilis ding nilinis ng dating Girltrends member na si Maika Rivera ang kanyang pangalan mula sa mga naglalabasang balita na siya ang “third party” sa hiwalayan ng showbiz couple. Nagpadala pa ang aktres ng video kay Ogie Diaz para pabulaanan ang mga balita.