TAGKAWAYAN, Quezon- Anim na katao ang nasawi habang tatlo pa ang sugatan makaraang bumangga ang sinasakyan nilang van sa isang trailer truck habang binabagtas ng Quirino Highway sakop ng barangay San Vicente, Martes ng madaling araw sa bayang ito.

Kinilala ng Tagkawayan PNP ang mga namatay na sina Ron Aldwin Aquino, van driver atresidente ng Cavite City; Ma. Thalia Bombanes, Agnes Villarosa, Rommel Galupar, Sergie Victor France Reyes, at isang hindi pa nakikilalang lalaki, na pawing mga pasahero ng Nissan Urvan Van Escapade na may plakangTOJ 512.

Larawan mula sa LGU Tagkawayan DRRMO

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sugatan naman sa insidente sina Fatima Beroin, Raymond Froibel Cortez, Joel Badiola, mga pasahero rin ng nasabing van.

Kinilala naman ang driver ng trailer truck na si Arjay Brito Redicialla,29, ngCamarines Norte.

Sa ulat, dakong 12:20 ng madaling araw binabagtas ng truck na minamaneho ni Redicialla ang paahon at kurbadang bahagi ng kalye patungo sa direksyon pa-norte. Samantalang angNissan van na minamaneho ni Aquino ay tinatahak din ang nasabing lansangan hanggang sa nag-overtake umano ang sasakyan sa sinusundan nitong sasakyan.

Inokupa umano ng van ang taliwas na bahagi ng kalye habang nawalan na ito ng kontrol sa manibela at nakasalubong ang trak na humantong sa salpukan.

Kasong reckless imprudence resulting in multipple homicide, multiple physical injuries and damaged to properties ang kahaharapin ng truck driver.