Sinabihan ni Presidential Spokesman Harry Roque si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na manahimik tungkol sa isyu ng West Philippine Sea dahil siya ang “traydor” na nagbigay ng teritoryo ng bansa sa China at hindi si Pangulong Duterte.

Sa kanyang press briefing ngayong Lunes, Hulyo 12, ika-5 anibersaryo ng landmark ruling, binalewala ni Roque ang sinabi ni Del Rosario at sinabing siya ang nagtraydor sa bansa at hindi si Duterte.

“Kalokohan po ‘yan (That’s nonsense) coming from a proven traitor,”aniya.

“Siya po ang nagpaalis sa ating mga kasundaluhan sa Borough na naging dahilan na ang Tsina na lang ang natira sa Borough” dagdag niya, na tinutukoy ang 2012 standoff sa lugar.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list

Ayon pa kay Roque, manahimik na lamang si Del Rosario dahil siya raw ang may pananagutan sa pagkawala ng teritoryo sa Pilipinas.

“Mr. Del Rosario, if you want to talk about who the real traitor is, ikaw yun. Ikaw ang namigay ng teritoryo sa Tsina,” aniya.

“Habang hindi ka makapagpakita ng teritoryo na binigay ng Presidente Duterte sa ibang bansa, manahimik ka diyan. Ikaw nga ang may pananagutan diyan,” dagdag ni Roque.

“Mangilabot ka naman sa mga sinasabi mo. Ikaw ‘yang namigay ng teritoryo, eh. Mahiya ka sa sarili mo,” pagpapatuloy niya.

Samantala, tumawag ng iba pang abogado ang palasyo para malaman kung maaari bang managot si Del Rosario sa nangyari noong 2012.

“I enjoin lawyers and other groups to study the legal liability of Albert Del Rosario in ceding Scarborough Shoal to China,” ayon kay Roque.

Sinisi ni Pangulong Duterte ang dating administrasyon dahil sa pagpapaalis ng Philippine ships sa Panatag Shoal sa standoff noong 2012. Noong Mayo ngayong taon, sinabi niya na walang problema ang Pilipinas kung hindi ipinag-utos ni Del Rosario ang mga barko ng Pilipinas.

“Sino ang nagbigay ng possession ng China sa West Philippine Sea? Sila. Kung hindi sila umalis, walang problema,” ayon kay Duterte.

Argyll Cyrus Geducos