Ang daming mga kaibigan ni Kylie Padilla na nag-like sa latest post niyang lilipat na siya at ng dalawang anak sa bagong bahay. Iiwan na nilang mag-iina ang bahay nila ng asawang si Aljur Abrenica.

Sabi nito, “Our new place is almost ready for my boys and I to move in and I’m so excited. But of course I have to make sure that our new furniture is clean and sanitized.”

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Ipinakita nga ni Kylie na bina-vacuum ang kanilang bed at iba-vacuum din ang sofa, carpets at iba pang mga bagong gamit sa lilipatang bahay.

Siguro, kapag nakalipat na sina Kylie at dalawang anak sa lilipatan nilang bahay, saka na babalik si Aljur sa kanyang bahay na naging bahay nila ni Kylie. Nakalagay kasi sa IG Story ni Aljur na matagal na niyang hindi nakikita ang mga anak, kaya nang dalawin ang mga anak, may dala siyang McDonalds at iba pang favorite food ng mga bata.

Nakangiti si Kylie sa mga larawan kung saan, ibinalita nitong lilipat na sila ng mga anak sa bago nilang bahay. Mukhang wala siyang nararamdamang lungkot na iiwan na ang bahay kung saan sila nagsama ni Aljur ng ilang taon din naman.

Nitz Miralles