Matatandaang 2018 nang ianunsiyo ni Direk Cathy Garcia-Molina na mageretiro na siya o pansamantalang magpapahinga sa pagdidirek para pagtuunan ng oras ang kanyang pamilya. Nabanggit din ng premyadong direktor ng Star Cinema na balak niyang manirahan pansamantala sa New Zealand kasama ang asawa't mga anak.

Ngayon palaisipan sa showbiz ang anunsiyo ng magaling na direktor na ang kasalukuyan niyang ginagawang pelikula na, "Love At First Stream" ang huli na niyang kontrata sa Star Cinema.

Paglilinaw ni Direk Cathy, “Actually, ito yung last sa kontrata ko. This is the last of my three-picture contract deal with Star Cinema. So tinatapos ko and ito yung movie na kung magkakaroon ng kasunod hindi ko alam. God knows when and hindi ko alam. Pero ito muna yung last ko sa kontrata ko. But I’m not saying this is the last movie I will ever do. But for my contract, yes. This is the last.”

Bagama't nasabi ng director na huling kontrata na ito sa kanyang home studio, hindi naman daw ibig sabihin ay tuluyan na siyang mamamahinga sa pagdidirek.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Direk Cathy

“Hindi naman ako magsasara, hindi final yung salita na wala na, posible pa pero I cannot promise when. Kasi una, may kuwento bang maganda for them, magkikita ba schedule namin? And pangatlo kaya pa ba ng katawan ko?” natatawa pang sambit ni Direk Cathy.

Mga baguhang artista ang bida sa “Love At First Stream,” na kinabibilangan nina Kaori Oinuma, Rhys Miguel, Daniela Stranner, at Anthony Jennings, kaya naman matinding paghahanda ang ginawa ng buong cast para sa kanilang unang major project.

“All I tell them is that when they get to my set, they should forget everything that they have learned. So, they come to me as a newbies, they come to me as fresh. Unlearning everything kasi with me they will learn. Kasi pagpuno na sila ng learnings wala nang space for the learnings na matutunan nila sa akin. So, all I ask from them is be empty. I don’t care kung ano performance binigay nila noon kasi on my set it’s always a first time. It’s always a new performance,” pahayag pa niya.

Ador V. Saluta