Agad na sasalang ang defending champion Creamline sa opening day ng 2021 Premier Volleyball League Open Conference sa Hulyo 17 sa PCV Socio-Civic and Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Makakasagupa ng Cool Smashers na pinangungunahan ni Alyssa Valdez ang koponan ng Sta.Lucia Realty sa tampok na laro ng nakatakdang triple header ganap na 7:00 ng gabi.

Ang Lady Realtors ang isa sa apat na koponan ng Philippine Super Liga na lumahok sa ngayo'y propesyonal ng liga ng PVL.

Sa iba pang mga laro, magtutuos ang koponan ng Chery Tiggo 7 Pro at ang PLDT na ginagabayan ng balik-PVL ding si coach Roger Gorayeb dakong 1:00 ng hapon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Susundan ito ng tapatan ng Perlas na pinamumunuan ni Nicole Tiamzon at ng Cignal HD Spikers na pangungunahan naman ni Rachel Anne Daquis ganap na 4:00 ng hapon.

Kinabukasan-Linggo,Hulyo 18, susunod na sasalang ang apat pang koponan.

Unang magtutuos ang Petro Gazz  at Philippine Army ganap na 3:00 ng hapon kasunod ang tapatan BaliPure at ng Choco Mucho ganap na 6:00 ng gabi base sa schedule na ini-release noong Sabado ng PVL kung saan anim na araw sa isang linggo may laro maliban sa Huwebes hanggang Agosto 20. 

Marivic Awitan