Sa susunod na buwan ay sisimulan na ang pamamahagi ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine certificates sa mga bakunado.

Ito ang sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Emmanuel Rey Caintic at hinihintay na lamang nila na makumpleto ng local government units (LGUs) ang pagpapasa ng vaccine recipients’ information sa verification database system.

“By early August, puwede na natin ilunsad and vaccine certificate para sa ganoon, kapag mag-request ang isang tao ng vaccine certificate nandoon ang record niya most likely,” wika ni Caintic.

“Kung nai-submit na ng LGUs ang kanilang listahan come July 31, puwede na tayo mag-issue ng vaccine certificate, at puwede ‘yan gamitin for international travel," dagdag pa ni Caintic. 

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list

Beth Camia