Audrey Hepburn, Princess Diana, Cher at marami pang iba. Iyan lamang ang ilan sa mga sikat na personalidad at karakter na ginaya ni Vice Ganda sa “Everbody, Sing!” na nagbibigay ng dagdag aliw sa viewers ng kanyang game show sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.

Vica as Minnie

Sa likod ng magagarbong costume at look ni Vice ang mahusay na stylist na si Aron Mangsat, na siyam na taon nang katrabaho ni Vice. Kwento niya, gusto ni Vice na ibahin naman ang looks niya sa community singing game show.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

“She [Vice Ganda] wanted a new take on hosting eh. We’ve done GGV for almost nine years and gusto niya mag-veer away from the typical suit and pants,” ani Aron.

Para raw mabuo ang iba’t ibang costume ni Vice sa “Everybody, Sing!,” todo raw ang planning ng dalawa upang mabigyang hustisya ang icon na gagayahin.

Vice as Betty Boop

“Working with Vice is always a collaboration. To give you an overview, we both make a list tapos pagbabanggain namin. Mostly inspired ng popular icons and we give it ng twist. In terms of production, as much as possible, a week or two,” pagbabahagi ni Aron, na stylist din ng iba pang Kapamilya stars tulad nina Inigo Pascual, Kyle Echarri, Tony Labrusca, Aljon Mendoza, at Ronnie Alonte.

Para kay Aron, ang Audrey Hepburn ang isa sa pinaka memorable na transformation ni Vice dahil parang unang beses na may dalang bag ang isang host. Memorable rin daw para sa kanya ang Princess Diana look ni Vice.

Vice as Audrey Hepburn

Natutuwa rin daw si Aron na aprub sa viewers ang mga nilikha nilang costumes para kay Vice, na laging trending sa social media.

“Happy and nakaka-pressure dahil need sundan ang bawat looks eh. Dapat mas elevated from week to week. Stay tuned lang sila every week kasi marami pang naka-bangko na episodes na for sure maaaliw sila,” sabi ni Aron.

Talagang inaabangan ang mga look na ginagawa niya para kay Vice Ganda sa “Everybody, Sing!” dahil dito hinuhugot ang mga pinapasagot na tanong sa songbahayan o viewers sa “Vice Sing Ganda" na segment.

Mercy Lejarde