Siniguro ni Supreme Court (SC) Associate Justice Marvic Leonen na tuluy-tuloy lang ang paghahanda para sa 2020-2021 Bar examinations sa Nobyembre.

Ang pagtiyak ni Leonen ay kasunod ng naging pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III ukol sa mungkahing posibilidad na pagkalos ng licensure exams para sa legal at nursing professions.

“I would like to clarify and every law student and applicant should know this: the Bar exam is conducted by the Supreme Court of the Republic of the Philippines,” pahayag ni Leonen, ang 2020-2021 Bar chairperson.

Reaksyon ito ni Leonen kasabay ng contract signing ceremony na isinagawa nitong Hulyo 8 sa pagitan ng SC at Saint Louis University sa Baguio City, na isa sa testing center para sa examinations.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list

Beth Camia