Todo-effort itong si McCoy de Leon para sa celebration ng anniversary nila ng girlfriend, ang aktres na si Elisse Joson.

Sa YouTube, in-upload ng 26-year-old star ang isang six-minute short film na ginawa niya para sa GF, may title itong: “YAU” para sa “You Are Unique.”

“Isa ka bang makina? Isang ulap? Isang poste? Isang puno? Dalawang ilaw? Sabi nga nila, you are unique in your own way. Ang pagiging natatangi ay mahalaga ay matandaan habang buhay tayo. Dahil nag-iisa ka lang, eh, at walang katulad,” ilan sa mga linyang nakasulat sa umpisa ng video kasama ang montage ng kanilang mga videos.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Kaya masasabi mo bang ikaw ay parang isang makina, nakatingala kahit magulo ang paligid? Isang ulap, nananatiling kalma pagkatapos ng bagyo? Isang poste, na hinaharap lahat? Isang puno, natututo habang tumatanda? Dalawang magkaibang ilaw, pantay ang tingin sa isa’t isa kahit magkaiba ang anyo? Pagpatuloy mo lang! Dahil natatangi ka at walang katulad.”

May bahagi rin sa video kung saan makikita si Elisse habang tumutogtog sa background ang rendition ni McCoy ng Elvis Presley’s “I Can’t Help Falling In Love With You.”

“Nakaisang taon na na ulit tayo,” the next caption read. “Natapos ang dalawang taon nagkabalikan ulit tayo. Wala man tayo sa different country, nakaisang taon naman na tayo ulit.”

“Kaya ngayon, masasabi ko ang istorya natin ay natatangi, at ikaw ang aking ‘Natatangi.’ Mahal kita, Elisse ko,” dagdag pa rito.

Matatandaang kamakailan lamang, inamin ni McCoy na nagkabalikan sila ni Elisse.

Aniya, naging couple ulit sila bago ang pandemic.

Unang nagkakilala ang dalawa sa loob ng “Pinoy Big Brother” house noong 2016.

Taong 2018 nabalita ang hiwalayan nila. Pero last year, nagulat ang fans nang ibahagi ng dalawa ang sweet photos nilang magkasama sa isang yacht.

https://youtu.be/uphEw1JYiRk