Panalo ang first appearance ni Bea Alonzo sa GMA Network sa show ni Jessica Soho na“Kapuso Mo, Jessica Soho”na ipinalabas last Sunday, July 4. Ayon sa AGB NUTAM, nakakuha ng 23. 2 percent ang programa.

Bukod sa mataas na rating, positive rin ang feedback sa guesting ni Bea. Puro magaganda ang comments ng mga tumutok saKMJS.Ang ganda-ganda raw ni Bea, blooming ito, magaan ang kanyang aura at halatang masaya. Mahusay rin itong magsalita, kaya nang malaman ni Jessica na gusto nitong magkaroon ng talk show, sabi ni Jessica, bagay nga siyang maging talk show host dahil very eloquent at articulate siya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Huwag nang isama na naging top trending sa Twitter ang guesting na ‘yun ni Bea saKMJSdahil every Sunday nagti-trend ang programa ni Jessica.

Inaabangan na ang susunod na guesting ni Bea sa mga show ng Kapuso Network at siguro naman, puwede siyang mag-guest sa ilan sa mga talk show ng network. Hindi pa nga lang siya mapapanood sa teleserye dahil pinaghahandaan pa ‘yun at saka, aalis pa siya para mag-recharge.

One month magbabakasyon sa Amerika si Bea at kung tama ang mga balita,kabilang sa makakasama niya sa kanyang bakasyon ay ang rumoured boyfriend na si Dominic Roque. Hindi na rin big deal kung magkasamang magbabakasyon ang dalawa dahil may mga travel na rin silang magkasama.

Nitz Miralles