Trending kamakailan ang aktres na si Julia Montes, pero hindi dahil kay Coco.

Si Julia kasi ang top choice ng netizens na ipalit sa karakter dapat ni Bea Alonzo para sa upcoming teleserye na “Kahit Minsan Lang.”

Matatandaang kamakailan lamang ay lumipat na sa Kapuso network si Bea.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Lumutang ang pangalan ni Julia matapos mag-leaked online ang Kapamilya trailer ng naudlot na serye.

Pinagbibidahan ang “Kahit Minsan Lang” nina Richard Gutierrez, Rafael Rosell, Christian Bables, at Jameson Blake.

Ayon sa netizens, bagay na bagay kay Julia ang naturang role.

Binanggit pa ng users ang 2015 serye ni Julia na “Doble Kara” na umere ng dalawang taon, patunay sa galling nito sa acting.

Habang ang iba naman ay aminadong name-miss na ang aktres sa telebisyon.

Huling napanood si Julia sa Kapamilya series na “Asintado” noong 2018.

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng kanyang buhay pag-ibig ang aktres sa isang tell-all interview.