“God is awesome!”

Ito ang pahayag ni Marjorie Barretto matapos nitong ibahagi sa social media kung gaano siya ka-grateful sa magagandang bagay na dumarating sa kanyang buhay ngayon.

Ayon kay Marjorie, bukod sa gumagandang career ni Claudia bilang singer, nag-e-excel din ang kang 21-anyos na anak sa school.

“My beautiful Claudia… so much good things happening in her life now, her new song NOTHING TO DO is out now on Spotify and her music video is out on YouTube too. And the bonus… she tells me the other day that she’s FIRST HONOR in school! What a blessing she has been,” pagbabahagi ni Marjorie. “She is now a Senior in College at the Ateneo. I’m so excited for your future, Claudia. I love you so much. God is awesome!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nag-react din sa post ng ina si Julia: “That’s my girl!”

Mukhang achievers ang mga anak nitong si Marjorie.

Kamakailan lamang, proud na ibinahagi rin ni Marjorie na nagtapos with honors sa high school ang kanyang nag-iisang anak na lalaki na si Leon.