Bagamat matipid sa kanyang pagsagot sa usapin ng pag-ibig, bukas naman ang aktres na si Julia Montes na sabihing in love siya ngayon.

"Actually, hindi ko kasi siya sasabihing secret. We just chose this path kasi we both believe na, ‘Ang atin, atin. Pumasok tayo sa trabahong ‘to na magulo. ‘Wag na nating paguluhin pati ‘yung atin,” paliwanag ng aktres sa panayam niya kay G3 San Pedro para sa bagong isyu ng Mega nitong July 1.

"There’s nobody…It’s just a personal choice. Personal choice namin ‘yun. And for us kasi talaga, naniniwala kami ‘pag ano kasing nandiyan, sisirain. ‘Pag hindi kayo, ‘pag magka-love team kayo, gustong maging kayo. ‘Pag kayo, pagsisirain kayo. So, might as well, ‘O, anong alam niyo?’ Okay, kung anong alam niyo, okay po. ‘Yun na lang,” dagdag pa ni Julia.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Bagama’t marami ang nagsasabi na si Coco Martin ang lalaking nagmamay-aru ng puso ng aktres, kailanman ay hindi nila ito inamin at itinanggi. Ito’y sa kabila ng pagsuporta ni Julia sa mga projects ng aktor na madalas nitong ibinabahagi sa social media.

Matatandaang nagsimulang ma-link si Julia sa primetime actor nang magkasama ang dalawa sa seryeng “Walang Hanggan” noong 2012.

Nito lamang Marso, ayaw nag-trending sa social media ang mga larawan nilang magkasama sa isang bakasyon sa Boracay.

Aminado naman si Julia na naging open book ang kanyang buhay at lovelife subali't nais nitong gawing silent at pribado ang tungkol sa kanyang pag-ibig.

“Siguro kasi sa buong buhay ko, hindi ako selfish. This time, gusto ko ‘yung akin, akin," maikli nitong tugon.

Pagpipiyestahan tiyak ng mga fans kung isasapubliko nito ang kanyang lovelife at ayaw niyang ma-pressure pa sa madlang pipol.

“Growing up, ang dami ng pressure. Pero ‘yung lumaki ka sa children’s show na parang siyempre lumalaki kaming may mga pressures, gusto ko sa aspeto ng buhay ko na ‘to, walang pressure," ani pa Julia.

"‘Yung taong involved, ako, ‘yun lang ‘yung… ‘yun lang ‘yung importante, ‘yun lang ‘yung–’yun lang ‘yung nagma-matter.

Ador V. Saluta