LAOAC, Pangasinan - Patay ang isang barangay chairman matapos barilin ng riding-in-tandem habang naka-angkas sa motorsiklo ng menor de edad na anak sa Barangay Talugtog ng nabanggit na bayan, nitong Sabado ng hapon. 

Dead on arrival sa Pangasinan Sacred Heart Hospital ang biktima na si Eleseo Eslao, 54, kapitan ng Brgy. Talugtog sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Nakaligtas ang anak ng biktima na si Mar Laurence, 15, at wala itong tama ng bala, ayon sa pulisya.

Sa police report, pauwi na sana ang mag-ama at binabagtas ang Don JaramilioStreet nang i-overtake sila ng dalawang suspek at biglang pinagbabaril ang biktima.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso.

Liezle Basa